Home NATIONWIDE Kaugnayan sa drug war ni Duterte itinanggi ni Bong Go

Kaugnayan sa drug war ni Duterte itinanggi ni Bong Go

168
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Senador Bong Go nitong Sabado, Pebrero 14 ang kaugnayan sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos siyang isama sa prosecution document ng International Criminal Court na naglalaman ng mga reklamo laban sa kanyang dating boss.

Si Go, dating aide ni Duterte, ay nagsabing ang mga alegasyon ay “entirely unfounded, one-sided and unfair.”

“It bear no relation to the reality of my roles and responsibilities during my service as Special Assistant to the President from June 2016 to October 2018 as well as Executive Assistant to the Mayor of Davao City from 1998 to 2016,” saad sa pahayag ni Go.

“Let me be clear, at no time did I have any involvement in, knowledge of, or authority over these allegations. It is also inaccurate to claim that I was Chief of the Presidential Management Staff then since at no point in time did that responsibility fall under mine,” dagdag pa niya.

“Alam ng aking mga kababayan na ginawa ko lang ang aking trabaho na naaayon sa batas ng tao at batas ng Diyos upang matulungan ang aking mga kapwa Pilipino, lalo na ang mga mahihirap at walang ibang malalapitan kundi ang gobyerno,” pagpapatuloy pa ni Go.

Si Duterte ay inaresto noong Marso 11, 2025 sa kanyang pagdating sa bansa galing sa Hong Kong sa hiling ng ICC na imbestigahan ito kaugnay sa war on drugs sa kanyang administrasyon.

Siya ay dinala sa The Hague sa kaparehong araw na naaresto ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here