Home NATIONWIDE 2 mangingisdang muntik nang malunod nasagip sa Facebook live

2 mangingisdang muntik nang malunod nasagip sa Facebook live

163
0

MANILA, Philippines – Nasagip sa tulong ng Facebook live ang magkapatid na mangingisda na muntik nang malunod nang lumubog ang kanilang bangka sa dagat na sakop ng Prieto Diaz, Sorsogon.

Sa ulat, makikita sa video si Cherwin Bartolome na humihingi ng tulong sa social media habang hinahampas ng malalakas na alon ang kanilang bangka.

Nakapag-live pa ng tatlong beses si Cherwin hanggang sa inabutan na sila ng gabi.

Bago pa mawalan ng signal ay nasaklolohan na ng mga rescuer ang magkapatid.

Ayon sa biktima, madaling araw na nang pumalaot sila sa dagat ngunit nagdesisyon silang umuwi na lamang matapos na biglang sumama ang panahon at lumakas ang mga alon.

Dinala na sa Barangay Brillante, Prieto Diaz ang nasagip na magkapatid.

Narekober naman kinaumagahan ang lumubog nilang bangka. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here