Home METRO South African timbog sa P40M tobats sa NAIA

South African timbog sa P40M tobats sa NAIA

117
0

MANILA, Philippines – Arestado sa isinagawang interdiction operation ng mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drugs Interdiction Task Group (IADITG) ang isang South African national matapos makuha sa kanyang backpack ang mahigit P40 milyong halaga ng shabu Linggo ng umaga, Pebrero 15.

Kinilala ng IADITG ang nadakip na suspek na si Jan Moller, 30, tubong South Africa.

Sa inisyal na report ng IADITG, napag-alaman na naganap ang pagdakip sa suspek bandang alas 10:50 ng umaga sa Customs Exclusion Room, Customs International Arrival Area, NAIA Terminal 3, Pasay City.

Ayon sa IADITG, si Moller ay pasahero lulan ng sinakyang Cathay Pacific Airways Flight CX 748 mula Johannesburg, South Africa, na mayroong connecting flight patungo ng Hong Kong CX 907.

Sa kanyang pagdating sa airport ay nadiksubre sa pagbukas ng kanyang kulay itim na backpack na may tatak na Camel Mountain ay bumungad ang tatlong improvised wooden box na binalutan ng colored-paper na may tatlong transaprent plastic bags na binalutan din ng carbon paper na naglalaman ng 6,000 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P40,800,000.

Ang narekober na ebidensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service upang sumailalim sa laboratory examination habang pansamantalang nakapiit sa PDEAD custodial facility ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 Art. Il ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng mga operatiba ng PDEA RO NCR; Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); National Bureau of Investigation (NBI); at ng Bureau of Immigration (BI). (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here