Home HOME BANNER STORY Pagbuwag sa travel tax, mag-aakyat ng P22B sa gobyerno – solon

Pagbuwag sa travel tax, mag-aakyat ng P22B sa gobyerno – solon

192
0

MANILA, Philippines – Tinaya ni Marikina City Rep. Miro Quimbo, chairman ng House Committee on Ways and Means na makapagdadala ng kita na P22 bilyon kada taon kung tuluyan ng aalisin ang travel tax.

Ipinahayag ito ni Quimbo kasunod ng panukala ni House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos ng Ilocos Norte kapalit ng tinatayang mawawala sa gobyerno na P7.5 bilyon

“So ‘yun po ang overall for the 7.5 billion na mawawala po natin ‘pag tinanggal po natin annually. So sa computation po namin ‘yung madadagdag in terms of income tax, dahil mas malaki ang kikita nila, aabot po ng P22 billion. No brainer po talaga siya,” dagdag pa ni Quimbo.

Ang House Bill (HB) No. 7443 na inihain ng batang Marcos ay kabilang sa Legislative-Executive Development Advisory Council’s Common Legislative Agenda (LEDAC-CLA).

Sa ilalim ng panukala ay aalisin o bubuwagin ng pamahalaan ang travel tax na P1,620 para sa economy-class passengers at P2,700 para naman sa first-class travelers.

“Kapag tinanggal po natin yung P1620 sa isang plane fare… meaning mas maraming tao ang makaka-biyahe. So mas madadagdag ang kikitain ng ating travel agencies, ating airline companies. No brainer.”

Paliwanag pa ni Quimbo na ang Pilipinas ay ang tanging bansa sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) na nangongolekta ng buwis sa mga outbound travel.

“At saka tayo nalang po ang nangongolekta ng tax for outbound travel sa buong ASEAN. Wala na po nangongolekta nyan,”ani Quimbo. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here