Home METRO DA: Imported sibuyas sapat lang hanggang anihan

DA: Imported sibuyas sapat lang hanggang anihan

159
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Department of Agriculture (DA), sapat lamang ang kasalukuyang suplay ng imported na sibuyas hanggang magsimula ang peak ng anihan.

Batay sa monitoring noong 4:15 p.m. ng Pebrero 13 na sumaklaw sa 82% ng cold storage warehouses, may 4,454.09 metric tons (MT) ng pulang sibuyas at 5,271.15 MT ng dilaw na sibuyas—halos lahat ay imported.

Sa average warehouse price na P30.36 kada kilo para sa pulang sibuyas, tinatayang tatagal ang suplay hanggang Pebrero 19 para sa red onion at hanggang Marso 15 para sa yellow onion.

Ayon sa DA, walang oversupply ng imported onions sa bansa.

Ipinakita ng datos ng National Plant Quarantine Services Division na may humigit-kumulang 8,000 MT ng pulang sibuyas na may sanitary at phytosanitary import clearances na balido hanggang Pebrero 15 at kailangang dumating bago mag-peak ang lokal na anihan.

Ayon naman sa Bureau of Plant Industry, kahit dumating lahat ng natitirang shipment ngayong buwan, tatagal lamang ang imported red onion stocks hanggang Marso 6, “just as harvest starts to peak.”

Tinatayang aabot lamang sa 9,325.14 MT ang lokal na produksyon ng pulang sibuyas mula Enero hanggang Marso—katumbas ng halos 18% ng kabuuang 52,034.4 MT.

Samantala, mababa rin ang suplay ng dilaw na sibuyas na karaniwang gamit sa komersyal na layunin, na tinatayang nasa 1,645.25 MT lamang para sa quarter.

“The numbers show that current stocks from imports are not overwhelming the market but merely plugging a supply gap,” ani Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr..

“That said, we are taking a closer look at why onion prices are falling at this time of the year, as claimed by farmers.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here