Home HOME BANNER STORY Proteksyon sa property rights ng same-sex couples, inihain sa Kamara

Proteksyon sa property rights ng same-sex couples, inihain sa Kamara

226
0

MANILA, Philippines – Naghain si 4Ps partylist Rep. JC Abalos ng panukalang magbibigay-proteksyon sa karapatan sa ari-arian ng mga hindi kasal na magkapareha, kabilang ang same-sex couples, sa mga sitwasyong nangangailangan ng legal na batayan.

Ito ay kasunod ng desisyon ng Supreme Court of the Philippines na kumilala sa co-ownership ng ari-arian sa same-sex relationships.

Ayon sa pahayag ng Office of the Spokesperson ng SC, nilinaw ng Second Division na ang Article 148 ng Family Code of the Philippines ay maaaring i-apply sa lahat ng magkapareha anuman ang kasarian.

Saklaw ng probisyong ito ang property relations ng dalawang taong nagsasama nang hindi kasal dahil sa legal na hadlang.

Kaugnay nito, inihain ni Abalos ang House Bill No. 7779 o “Shared-Property Rights Protection Act” na layong palakasin ang Article 148 at tiyaking protektado ang karapatan sa ari-arian ng mga nagsasamang partner, anuman ang kasarian o uri ng kanilang ambag.

Tampok ng panukala ang Inclusive scope: Nililinaw na sakop ng proteksyon ang lahat ng cohabiting partners batay sa legal capacity at hindi sa gender identity; Modernizing the term “contribution”: Kinikilala hindi lamang ang pinansyal na ambag kundi pati non-financial efforts at mutual support; Rebuttable presumptions: Nagtatakda ng legal presumptions sa mga ari-ariang nakuha sa mahabang pagsasama upang mapagaan ang pagbibigay ng ebidensya; at Contemporary proof: Tinatanggap ang makabagong paraan ng ebidensya para patunayan ang shared ownership.

“This proposed measure does not necessarily alter existing marriage laws, but rather ensures that property rights arising from shared effort and mutual support receive clear statutory protection in line with upholding the principles of justice and equity,” ani Abalos.

Dagdag pa niya, layon ng panukala na tugunan ang iba’t ibang interpretasyon at legal na hamon sa pamamagitan ng malinaw na legal framework para sa mga hindi kasal na magkapareha sa ilalim ng umiiral na batas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here