Home METRO Mongolian arestado sa paniniktik – BI

Mongolian arestado sa paniniktik – BI

162
0

ZAMBALES, Philippines – Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Zambales ang isang Mongolian national na umano’y sangkot sa espionage.

Kinilala ang suspek bilang Boldbaatar Bold-Erdene, 30-anyos, Mongolian national.

Ayon sa BI, nahuli si Boldbaatar noong Pebrero 12 sa isang aviation school sa Barangay Lipay Dingin, Iba, Zambales, sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Tinukoy siyang undesirable alien na posibleng panganib sa publiko.

Ipinahayag ng BI na habang nag-eensayo sa flight, umano’y kumuha siya ng aerial photos ng Iba Airport at kalapit na Palauig River, limang nautical miles mula sa airport.

“According to official intelligence information, he graduated as a jet fighter pilot with suspected affiliation to the Chinese government,” ayon sa BI.

Dinala na si Boldbaatar sa Manila at nakadetenido sa BI Warden Facility habang hinihintay ang deportation. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here