Home NATIONWIDE Appointment, promotion sa DPWH, ibabatay na sa performance – Sec. Dizon

Appointment, promotion sa DPWH, ibabatay na sa performance – Sec. Dizon

209
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na uusad ang isinusulong nilang reporma sa Kagawaran.

Ayon kay Highways secretary Vince Dizon, ito ay sa pamamagitan ng mas mahigpit na pamantayan para mapanatili sa puwesto ang isang opisyal.

Sinabi ng kalihim mas mahigpit ding ibabatay sa performance ang promosyon ng mga opisyal at kawani ng DPWH.

Tatlong pamantayan ang itinakda ni Dizon para sa promosyon o pananatili sa puwesto ng isang opisyal.

Kabilang dito ang maagap at de-kalidad na pagkukumpuni at maintenance ng mga kalye at tulay.

Gayundin ang mabilis na pagtugon sa nga pagkasira na dulot ng manmade calamity at natural disaster.

Kasama rin dito ang maagap at de-kalidad na pagtapos sa mga proyekto.

Binigyang-diin ni Dizon na kung mayroong nakatengga na mga proyekto sa isang lalawigan o rehiyon ay hindi papayagan ang pagsisimula at pagpopondo ng mga bagong proyekto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here