Home HOME BANNER STORY Dagdag-presyo kada litro sa produktong petrolyo, ipatutupad sa Pebrero 17, 2026

Dagdag-presyo kada litro sa produktong petrolyo, ipatutupad sa Pebrero 17, 2026

231
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad muli ng dagdag presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa magkakahiwalay na anunsiyo na inilabas ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P1.20 sa kada litro ng gasolina habang P0.60 naman sa kada litro ng diesel at kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

Samantala, kahalintulad din ng mga nabanggit na presyo ang ipatutupad na dagdag ng halaga ng produktong gasolina at diesel ng mga kompanyang PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, at Petro Gazz simula alas-6 din ng Martes ng umaga habang alas-4:01 naman ng hapon ang Clean Fuel.

Ito na ang ika-limang na sunod na linggong taas presyo sa kada litro ng gasolina habang nasa pang-pito na sunod na linggong price hike naman sa produktong diesel at kerosene.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng dagdag presyo na P0.60 sa kada litro ng gasolina at kerosene habang P1.00 naman sa kada litro ng diesel. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here