MANILA, Philippines – Nagsumite ng karagdagang mga pangalan ng mga kilalang indibidwal ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y mga anomalya sa mga proyektong flood control sa Bulacan at Davao Occidental.
Ayon kay Highways Secretary Vince Dizon nagsumite sila ng bagong dalawang manifestation noong nakaraang dalawang linggo.
Sa isang press conference, sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na maglalabas ng anunsyo ang Ombudsman ukol sa isyung ito ngayong linggo.
Bukod dito, inihayag din ni Dizon na nakatakdang magsumite ang DPWH ng isa pang pahayag sa Ombudsman ngayong linggo kaugnay ng kaso sa Cebu.
Dagdag pa ni Dizon, patuloy na nakikipag-ugnayan ang DPWH sa Ombudsman para sa imbestigasyon ng mga anomalya sa mga proyektong flood control. Jocelyn Tabangcura-Domenden