Home ENTERTAINMENT Binoe, inalmahan ng mga kabataan!

Binoe, inalmahan ng mga kabataan!

173
0

Manila, Philippines – Take it from Senator Robin Padilla.

May K lang naman ang action star cum legislator na ihayag ang kanyang saloobin patungkol sa mga kabataan sa makabagong henerasyon.

Robin compared today’s youth to what it was like during his time.

Tinawag niya itong “weak.”

Kabilang dito ang mga millenial at Gen Z.

Ani Binoe sa pagdinig ng Senate Commitee on Public Information and Mass Media: “Siguro, ‘yung iba dito, hindi ko man kaedad, naranasan n’yo ‘yung 80s at 90s na tayo’y naglalaro pa, masaya pa…sad to say, ang mga bata po ngayon, weak!”

Kakaiba daw ‘yon noong panahon niya–na ang mga bata’y hindi iyakin, natuto sa kalsada.

Back then, hindi daw uso ang salitang “depression” na laganap ngayon among the youth.

Na-focus kasi ang pagdinig sa pagsusulong sa limitasyon ng mga kabataan sa paggamit ng social media.

Nagdudulot daw kasi ito ng peligro sa kanilang physical at mental health.

Kung tutuusin, real talk lang ang tinuran ng mambabatas.

‘Yun ay sa aminin man o hindi ng makabagong henerasyon.

Ngunit nagkaroon ito ng iba’t-ibang reaksyon sa different sectors.

Marami ang umalma sa tinuran ni Binoe. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here