MANILA, Philippines – Ilang linggo bago ang paggunita ng Semana Santa, maagang inanunsyo ng Department of Public Works and Highways na walang isasarang kalsada sa Maharlika Highway.
Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na inatasan na niya ang paglilinis ng mga sagabal at pansamantalang pag-aayos ng mga hindi pantay na kalsada bago matapos ang Marso.
Sa nakalipas na dalawang buwan, ininspeksyon ni Dizon ang ilang bahagi ng Maharlika Highway sa Quezon, Bicol, at Samar.
Dagdag pa niya, ang pangmatagalang rehabilitasyon ng highway, na isang mahalagang daanan para sa mga produkto at pasahero sa bansa, ay sisimulan sa Hunyo o Hulyo, habang ang bidding para sa proyekto ay magsisimula sa Mayo.
Ang Semana Santa ngayong taon ay papatak sa Abril, kung saan ang Huwebes Santo (Abril 2) at Biyernes Santo (Abril 3) ay regular holidays.
Samantala, ang Abril 4 (Sabado de Gloria) ay isang special non-working day. Jocelyn Tabangcura-Domenden