Home NATIONWIDE Mga magulang ni Mary Jane Veloso lumahok sa protest rally sa labas...

Mga magulang ni Mary Jane Veloso lumahok sa protest rally sa labas ng DOJ, humihiling ng clemency

207
0

MANILA, Philippines – Muling sumugod sa labas ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang mga kaanak ni Mary Jane Veloso upang hilingin ang kanyang kalayaan at panawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na clemency.

Si Veloso na kasalukuyang nakapiit ngayon sa Correctional Institutions for Women sa Mandaluyong City ay nakauwi sa Pilipinas isang taon na mula sa pagkakakulong sa Indonesia dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Sa isinagawang protesta, partikular na nanawagan si Gng. Celia Veloso, ang ina ni Mary Jane ang clemency at tuluyang pagpapalaya sa kanya dahil matagal na panahon na rin naman aniya na nawalan sa kanila.

Bukod dito, inilahad ng ina na nasisira na ang buhay ng kanyang mga anak kaya sa pamamagitan ng pagpapalaya kay Mary Jane ay umaasa sila na magbabago ang buhay nila.

Hinamon din ng ginang na dalawin ng Pangulo si Mary Jane sa kulungan upang makita ang kanyang kalagayan.

“Gusto ko po sana kayo maski isang beses lang po dalawa in niyo si Mary Jane makita niyo sa kulungan ang kalagayan niya at mismong sa inyo siya humingi ng kalayaan niya,” panawagan pa ni Gng. Celia.

Sa kanilang pangangalampag, kapansin-pansin naman ang malaking heart-shaped letter na may mukha at nakasulat na “Free Mary Jane Veloso.”

Matatandaang na hinatulan si Mary Jane noong 2010 ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad dahil sa drug trafficking, ayon sa Batas ng Indonesia pero noong Abril 28, 2015 o ilang oras bago ipatupad ang pagbitay ay ginawaran siya ng last-minutes reprieve ng Indonesia.

Naibalik siya sa Pilipinas noong 2024 sa pamamagitan ng repatriation agreement. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here