Home TOP STORIES 8 utas sa pagsabog ng tindahan ng paputok sa China

8 utas sa pagsabog ng tindahan ng paputok sa China

188
0

BEIJING, China – Walo ang nasawi at dalawa ang nagtamo ng minor burns matapos ang pagsabog at sunog sa isang fireworks shop sa Jiangsu province, silangang China noong Pebrero 15, ayon sa mga awtoridad.

Sinabi ng Donghai county government na ang pagsabog ay dulot ng isang residente na maling nagpaputok ng fireworks malapit sa tindahan.

Tradisyon sa China ang pagpapaputok ng firecrackers tuwing hatinggabi ng Lunar New Year o Spring Festival, na papatak sa Pebrero 17 at magsisimula ng Year of the Fire Horse sa Chinese zodiac.

Gayunman, maraming lugar ang nagpatupad ng pagbabawal sa fireworks dahil sa polusyon, bagamat may ilang pamahalaan ang nagluwag ng patakaran noong nakaraang taon.

Matapos ang insidente, inatasan ng Ministry of Emergency Management ang mga lokal na pamahalaan na higpitan ang pagbabantay sa produksyon, transportasyon, bentahan, at paggamit ng fireworks.

Ipinagbabawal din ang pagsubok ng fireworks malapit sa mga tindahan upang matiyak ang ligtas at maayos na pagdiriwang ng Spring Festival. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here