Home METRO Pulis nagpanggap na buyer; drug pusher, swak sa selda sa Valenzuela

Pulis nagpanggap na buyer; drug pusher, swak sa selda sa Valenzuela

217
0

MANILA, Philippines – Swak sa selda ang isang hinihinalang drug pusher makaraang bentahan umano ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer, napaulat kahapon sa Valenzuela City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek na si alyas “Toyo”, 36, ng Brgy. Mabolo.

Sa kanyang report kay NPD Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na alas-5:50 ng umaga nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa San Francisco Del Monte St., Corner D. Santiago St., Brgy. Malanday.

Ayon kay PMSg Ana Liza V Antonio, nakumpiska kay ‘Toyo’ ang nasa limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000, buy bust money at P200 cash.

Nauna rito, positibo ang natanggap na impormasyon ng mga operatiba SDEU hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ng suspek kaya agad bumuo ng team si P/Lt. Sherwin Dascil bago ikinasa ang buy bust operation laban kay ‘Toyo’, sa koordinasyon sa PDEA.

Matapos mag abutan ng marked money kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, dinamba ang suspek ng nagpanggap na buyer. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here