Home METRO Lalaki arestado sa pangho-hostage ng ina ng dating live-in partner sa Cavite

Lalaki arestado sa pangho-hostage ng ina ng dating live-in partner sa Cavite

192
0

CAVITE, Philippines – Nasa mahigit dalawang oras ang itinagal ng negosasyon bago tuluyang inaresto ang isang lalaki makaraang i-hostage ang ina ng dati nitong live-in parter sa Naic, Cavite kamakalawa ng gabi.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek na si alyas Noel ng Ciudad Nuevo, Brgy Sabang, ng nasabing bayan.

Sa ulat, bandang alas-9:00 ng gabi nang pwersahang pinasok ng suspek ang bahay ng kanyang live-in partner sa Balai White House, Brgy Malainen, ng naturang lugar at naabutan nito ang ina na si alyas Myrna, 71 at hinanap ang ito girlfriend.

Sinabi ng biktima na wala ang kanyang anak, kaya’t nagbanta ang suspek at pwersahang dinala ito sa isang sulok sabay na inilock ang mga pintuan ng bahay.

Patuloy na nagbabanta ang suspek na sasaktan nito ang biktima kung hindi nito ilalabas ang kanyang hinahanap.

Nagkaroon ng negosasyon ang mga awtoridad at suspek na umabot na ng halos dalawang oras.

Dahil sa lumalalang sitwasyon, nagdatingan ng ibang puwersa ng kapulisan kabilang ang Homeowners Association at barangay at matapos ang isinagawang assessment at coordination, ay pinasok ng kapulisan ang likurang bahagi ng bahay na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek bandang alas-11:48 ng gabi. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here