Home METRO Pag-bail ni Cumpio sa kasong terror financing, tinanggihan ng Tacloban court

Pag-bail ni Cumpio sa kasong terror financing, tinanggihan ng Tacloban court

192
0

MANILA, Philippines – Tinanggihan ng Tacloban Regional Trial Court ang bail request ng journalist na si Frenchie Mae Cumpio at ng kanyang ka-akusado na si Mariel Domequil, na parehong napatunayang guilty sa terror financing noong Enero.

Ayon sa hukuman, may posibilidad na patuloy nilang suportahan ang mga teroristang grupo o tumakas gamit ang kanilang koneksyon sa iba’t ibang organisasyon.

Ang desisyon ay nakabatay sa seryosong parusa at risk ng pagtakas, gayundin sa interes ng estado na protektahan ang komunidad at panatilihin ang integridad ng hustisya.

Matatandaang sila ay naaresto noong Pebrero 2020 sa kaso ng armas, at higit isang taon pagkatapos ay isinampa ang terror financing charge na may posibleng 40-taong kulong.

Ang mga abogado ni Cumpio at Domequil ay pinag-aaralan pa ang posibleng motion for reconsideration sa RTC o sa Court of Appeals. Ang kaso ay binabantayan ng mga human rights groups at naging kontrobersyal dahil sa alegasyong red-tagging laban sa journalist. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here