Home NATIONWIDE Lalaking nakipag-inuman lang sa Cavite natagpuang patay sa irigasyon

Lalaking nakipag-inuman lang sa Cavite natagpuang patay sa irigasyon

385
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang natagpuan patay na hinihinalang nalunod dahil sa kalasingan ang sa kanal ng isang irigasyon habang naglalakad pauwi matapos makipag-inuman sa Gen Trias City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Pinaniniwalaang may isang araw nang patay ang biktima na si alyas Ruben, na natagpuang nakalutang sa kanal ng Talon Irrigation Canal sa Sitio Manggahan, Brgy Pasong Camachille 1, Gen Trias City, Cavite na pinaniniwalaang nalunod.

Sa ulat, huling nakitang buhay ang biktima habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan noong Lunes ng gabi at bandang alas-9:00 ng gabi nang nakitang naglalakad pa pauwi sa kanilang bahay gayunman, nalaman na hindi ito nakauwi sa kanila.

Nagtulong-tulong ang kanyang mga kaibigan na hanapin ito subalit hindi siya natagpuan hanggang naisipan nila ang irigasyon na tanging ruta pauwi ng bahay ng biktima.

Nang nabawasan na ang tubig sa irigasyon matapos ang pagpapakawala ay natagpuan nila ang bangkay ng biktima dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon na nakalutang sa malalim na bahagi ng kanal malapit sa conreate spillway.

Nagsasagawa rin ng autopsy sa bangkay ng biktima upang malaman ang dahilan ng pagkamatay nito. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here