Home XTRAS Press Release Mula sa mga Pabahay tungo sa Seguridad ng Tao

Mula sa mga Pabahay tungo sa Seguridad ng Tao

498
0

Ang lumalawak na saklaw ng Expanded 4PH

Ipinapakita ng Expanded 4PH ang paniniwala ng administrasyong Marcos na ang pabahay ay
mahalagang bahagi ng seguridad ng tao at katatagan ng bansa. Sa pangunguna ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), isinusulong ng programa ang ligtas, abot-kaya, at marangal na pabahay para sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paninindigang ito:

“Mga kababayan, ang bahay ay hindi lamang istruktura. Sa tahanan unang nahuhubog ang pagkatao, umuusbong ang pag-ibig, at binubuo ang mga pangarap. Kaya’t hangga’t may mga Pilipinong nagnanais ng sariling tahanan, hindi po titigil ang pamahalaan sa aming pagkilos. Walang hihinto sa trabaho. Walang maiiwanan sa Bagong Pilipinas,”

Sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Aliling, pinalawak ang programa upang tugunan ang
usapin ng seguridad sa pagmamay-ari ng lupa, urbanong pagsisiksikan, at abot-kayang pabahay. Pinalalakas ng Enhanced Community Mortgage Program (ECMP) ang kakayahan ng
mga komunidad na kolektibong makamit ang pagmamay-ari ng lupa, habang ang pamamahagi ng mga sertipiko ay nagbibigay-solusyon sa matagal nang mga kaso ng lupa.

Ang high-density housing ay tumutugon sa realidad ng pagsisikip sa mga lungsod, habang ang mga inisyatiba sa rental housing ay nagbibigay ng mas flexible na opsyon para sa mga manggagawa at informal settler families (ISFs).

“Ang layunin natin ay hindi lamang magtayo ng mga bahay kundi bumuo ng masigla, matatag, at inklusibong mga komunidad. Ang programang ito ay hindi lamang tugon sa kakulangan sa pabahay—ito ay mahalagang bahagi ng ating bisyon para sa mas matatag at nagkakaisang Pilipinas,” ani Pangulong
Marcos.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here