Home NATIONWIDE 2 ‘motornapper’ nalambat ng mga parak sa ‘Garay’

2 ‘motornapper’ nalambat ng mga parak sa ‘Garay’

337
0

Bulacan – Huli ng mga nagpapatrulyang awtoridad ang dalawang indibiduwal nang nakawin ang isang motorsiklong nakaparada sa bayan ng Norzagaray nitong hapon ng Pebrero 17.

Sa ulat ni PLTCOL Ismael Gauna, Acting chief of police ng Norzagaray police station, kinilala ang suspek na sina alyas “Winston”, 39, residente ng Brgy. Partida at alyas “Ariel”, 34, ng Pulong Buhangin, Santa Maria.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente bandang 2:00 ng hapon sa Calumpang Gitna, Brgy. Poblacion.

Nabatid na nang iwan ng saksi ang motorsiklo ng biktima habang siya ay papunta sa kliyente ay itinali ito ng lubid ng mga suspek sa kanilang motorsiklo at tuluyang tinangay papalayo.

Nang madiskubre ng saksi ay agad iniulat ang pangyayari sa barangay at pulisya na nagpapatrulya sa lugar hanggang sa mamataan ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo na walang helmet at may hilang isang motorsiklo.

Dahil dito, agad silang pinara ng mga pulis, nang hingan ng dokumento ay walang maipakitang anumang papeles sa kanilang hila-hila kaya dinala ang mga ito sa istasyon para sa beripikasyon at kalaunan ay nadiskubre itong nakaw nang dumating ang may-ari.

Ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kaukulang kaso habang nasa kostudiya ng istasyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here