Home NATIONWIDE Tuloy-tuloy na presensya ng China paggiit ng total control sa SCS

Tuloy-tuloy na presensya ng China paggiit ng total control sa SCS

181
0

MANILA, Philippines — Bahagi umano ng layunin ng China na makamit ang ganap na kontrol sa buong South China Sea ang tuloy-tuloy at ilegal na presensya ng kanilang maritime forces sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ito ang pahayag ni Philippine Navy (PN) spokesperson for the West Philippine Sea Rear Adm. Roy Vincent Trinidad bilang tugon sa katanungan kung sinasadya ng China na magpakita ng presensya sa mga naval activity ng Pilipinas at mga kaalyado nito.

“The illegal presence of the PLAN, CCG at maritime militia sa loob ng ating EEZ ay isang deliberate attempt na baguhin ang status quo at balewalain ang international law. Ang endstate ng Chinese Communist Party ay sea control ng buong South China Sea,” ani Trinidad.

Sa isinagawang ika-14 na multilateral maritime cooperative activity (MMCA) ng Pilipinas, Australia at United States noong Pebrero 15-16 sa West Philippine Sea, namataan ang dalawang barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) na nagmo-monitor sa ligtas na distansya habang nagsasagawa ng drills sa timog-silangang bahagi ng Bajo de Masinloc.

Nauna na ring naitala ang kahalintulad na presensya ng mga barko ng China sa mga nakaraang MMCA at iba pang naval exercises.

Ayon kay Trinidad, isinusulong umano ng China ang layunin nitong total sea control sa pamamagitan ng “ICAD” o illegal, coercive, aggressive at deceptive activities sa maritime domain, gayundin ng “foreign intervention and malign influence” sa lupa sa pamamagitan ng United Front Works Department nito.

Gayunman, tiniyak ng opisyal na hindi matitinag ang Armed Forces of the Philippines sa pagtupad sa mandato nitong ipagtanggol ang soberanya ng bansa at protektahan ang mga Pilipino. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here