Home METRO For sale: Pakeng yosi, mura na may lason pa sa Bulacan

For sale: Pakeng yosi, mura na may lason pa sa Bulacan

198
0

BULACAN — Nagpaalala ang mga awtoridad na bawal ang pag-iimbak at pagbebenta ng ilegal na sigarilyo dahil labag ito sa batas at may kaakibat na parusa tulad ng multa at pagkakakulong.

Sa ulat ng San Ildefonso Police Station, ang mga palatandaan ng ilegal na sigarilyo ay walang tax stamp, walang address ng manufacturer o importer, walang graphic health warnings, at sobrang mura.

Ayon pa sa ulat, may indikasyon din na may kakaibang lasa, masamang amoy, mababa ang kalidad ng packaging, at maaaring may lason at dumi ng daga ang ilegal na sigarilyo.

Paalala ng mga awtoridad sa mga tindahan at mamamayan na tiyaking rehistrado at may tamang dokumento ang mga produktong ibinibenta.

Maaari ring makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng komunidad.

Sakaling may impormasyon tungkol sa pagbebenta ng ilegal na sigarilyo, agad itong ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Sinasabing may mabigat na parusa tulad ng multa at pagkakakulong ang mahuhuling nagbebenta, namamahagi, at nag-iimbak ng nasabing ilegal na produkto.

— Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here