Home NATIONWIDE Populasyon sa rural provinces, kumokonti – CPD

Populasyon sa rural provinces, kumokonti – CPD

199
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Commission on Population and Development (CPD) sa pagbaba ng population growth sa ilang rural provinces, batay sa datos ng 2024 Census of Population (POPCEN) at sa patuloy na demographic shifts sa bansa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 112,729,484 ang populasyon ng Pilipinas noong Hulyo 1, 2024, o dagdag na 3.69 milyon mula sa 109.04 milyon noong 2020. Gayunman, bumagal ang population growth rate sa 0.80 porsiyento mula 2020 hanggang 2024, kumpara sa 1.63 porsiyento mula 2015 hanggang 2020.

Sa ika-57 anibersaryo ng CPD sa Maynila nitong Huwebes, sinabi ni Deputy Executive Director Lolito Tacardon na lumalaking isyu ang rapid urbanization at depopulation sa rural areas.

“Kasi we’ve seen na palaki ng palaki yung population who are living in the urban areas. Pero meron na rin tayong mga provinces as well as one region actually, nag-incur na ng negative population growth rate, that’s region 5, Bicol region,” ani Tacardon.

“So nagbago na yung demographic landscape natin and yet ang ating trust ngayon sa programa is demographic resilience, yung capacity ng bansa natin to sustain our socioeconomic development in whatever demographic situation that we have,” dagdag niya.

Bukod sa Bicol Region, sinabi ni Tacardon na 13 pang probinsya kabilang ang Marinduque, Romblon, Mountain Province, at Zamboanga del Norte ang nakapagtala ng mabagal na population growth, kung saan ang Marinduque at Mountain Province ang may pinakamabilis na pagbaba at may ilang munisipalidad na tuluyang nabawasan ng populasyon.

Sa kabuuan, 264 lungsod at munisipalidad, o humigit-kumulang 16 porsiyento ng bansa, ang may negative population growth.

Iniugnay ng CPD ang pagbaba sa fertility decline, pagtaas ng mortality noong COVID-19 pandemic, at internal migration. Bumaba ang fertility rate mula anim na anak bawat babae noong dekada 1970 sa 1.9 sa kasalukuyan.

“Women are now able to achieve their desired number of children, which allows families to provide a better quality of life and enables women to pursue personal and professional development,” ani Tacardon.

Sinabi rin niya na humigit-kumulang 40 porsiyento ng populasyon ang naninirahan ngayon sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon, na nagdudulot ng population imbalance at nagpapakita ng pangangailangan para sa mga polisiya na susuporta sa rural areas at pamamahala ng migration.

Nagbabala rin ang CPD sa patuloy na pagtaas ng pregnancies sa mga batang babae edad 10 hanggang 14, na iniuugnay sa kakulangan sa impormasyon, sexual abuse, at cultural norms. Binigyang-diin ni Tacardon ang kahalagahan ng edukasyon at gabay ng magulang.

“We’re more focused on the education and enabling young people to have that informed choice and decision by giving them appropriate information. So even if they access these social media sites dapat, unang una yung mga parents dapat magabayan nila ano ba ang maling information versus sa tamang information. I guess our concentration is more on education and skills development,” ani Tacardon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here