MANILA, Philippines – Dalawang lalaki ang naaresto at tinatayang ₱1.02 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang buy-bust operation sa Barangay Santa Ana, Taguig City, ayon sa pulisya nitong Huwebes.
Tumulong ang Taguig City Police Station sa Southern Police District (SPD) sa anti-narcotics operation na isinagawa noong Martes.
Unang naaresto ang isang 29-anyos na lalaki na nakuhanan ng 50 gramo ng hinihinalang shabu, marked money na ginamit sa buy-bust, at isang asul na smartphone. Sa follow-up search, nadakip ang isa pang suspek na 49-anyos na nakuhanan ng 100 gramo ng hinihinalang shabu.
Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek bilang mga bagong high-value targets na umano’y nag-ooperate sa southern Metro Manila. Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Ayon kay Police Colonel Julius Añonuevo, hepe ng Taguig City Police, ipagpapatuloy ng pulisya ang pinaigting na operasyon laban sa ilegal na droga.
“We will continue to strengthen our coordination with the Southern Police District and our sub-stations to ensure that illegal drugs have no place in our communities. Our personnel remain committed to proactive operations that protect the people of Taguig,” aniya. Dave Medina