Home METRO P2.5M smuggled na sigarilyo, nasabat sa Bataan

P2.5M smuggled na sigarilyo, nasabat sa Bataan

155
0

BATAAN — Nasabat ng mga awtoridad ang mga karton ng umano’y puslit na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P2.5 milyon at naaresto ang isang indibidwal sa ikinasang buy-bust operation sa Ambrocio St., Barangay Townsite, Limay.

Batay sa ulat ni Bataan Police Director Col. Marites Salvadora kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr.

 

Sa ulat, nakipag-ugnayan ang pulisya sa Bureau of Customs (BOC) bago ikinasa ang entrapment operation.

Naaktuhan umano ang suspek na nagbenta ng isang rim ng iligal na sigarilyo sa undercover police, kung saan dito na narekober ang mga karton ng umano’y smuggled na sigarilyo.

Nasa kustodiya ng pulisya ang naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act. (Roel Tarayao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here