Home NATIONWIDE Pag-imprenta ng balota para sa Antipolo special elections, sinimulan na

Pag-imprenta ng balota para sa Antipolo special elections, sinimulan na

187
0

MANILA, Philippines – Sisimulan na ngayong araw ang pag-imprenta ng mga balota para sa nakatakdang special election sa ikalawang distrito ng Antipolo City sa Marso 14, 2026.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa 252,793 balota ang kailangang maimprenta ng Ballots Production Committee nito.

Ang pag-imprenta ng mga opisyal na balota at accountable forms ay isasagawa sa National Printing Office sa Diliman, Quezon City.

Inaasahan ng Comelec na matatapos sa loob lamang ng isang araw ang kabuuang pag-imprenta upang matiyak ang maagap na deployment ng mga balota bago ang halalan.

Alas-8 ng umaga nakatakda ang test prints habang alas-9 naman ng umaga sisimulan ang opisyal na pag-imprenta.

Isasagawa ang special election upang punan ang nabakanteng puwesto sa Kamara para sa ika-2 Distrito ng Antipolo City.

Tiniyak ng Commission on Elections ang isang transparent at ligtas na proseso ng pag-imprenta upang mapanatili ang integridad ng halalan.

Inaanyayahan din ang mga observer at miyembro ng media na magmonitor sa isasagawang pag-imprenta alinsunod sa itinakdang iskedyul para sa halalan sa Marso 14. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here