Home METRO 24 durugista, P400K ‘bato’ timbog sa Bulacan buy-bust

24 durugista, P400K ‘bato’ timbog sa Bulacan buy-bust

223
0

BULACAN — Nasa mahigit P400,000 halaga ng iligal na droga at 24 indibiduwal ang nahuli sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya nitong Pebrero 19 at 20 sa lalawigang ito.

Sa ulat ni PLTCOL Jayson San Pedro, hepe ng Baliwag Police Station, apat na indibiduwal na pawang kabilang sa PNP-PDEA unified watchlist ang kanilang naaresto bandang 10:25 ng gabi nitong Pebrero 19 sa Brgy. Matangtubig.

Ayon sa ulat, nakabili ang poseur-buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa mga suspek kapalit ng marked money kaya agad silang inaresto ng mga pulis sa lugar.

Nabatid na nakumpiska pa sa mga suspek ang anim pang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 18 gramo at may halagang P122,400.

Kasabay nito, batay na rin sa ulat ng Malolos, Meycauayan, San Jose del Monte, Guiguinto, Bulakan, Bocaue, Calumpit, Marilao, Plaridel, San Rafael, Obando, Balagtas, at DRT Police Station, nasa 20 drug suspect ang naaresto ng kanilang Station Drug Enforcement Units na nakasamsam ng kabuuang 42.6 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P289,689, kasama ang buy-bust money.

Ang mga naarestong suspek ay nahaharap sa kaukulang kaso at kasalukuyang nasa kustodiya ng himpilang humuli sa kanila. Dick Mirasok

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here