Home NATIONWIDE Pinaigting na sea patrol sa Zamboanga City ipinag-utos vs mga kontrabando

Pinaigting na sea patrol sa Zamboanga City ipinag-utos vs mga kontrabando

157
0

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Brig. Gen. Edwin Quilates, director ng Police Regional Office 9 (PRO-9), ang mas pinaigting na sea patrol sa karagatan ng Zamboanga City laban sa pagpasok ng mga kontrabando.

Ito ay kasunod ng pagkakasabat ng joint patrol team sa dalawang sasakyang-dagat na may kargang smuggled cigarettes sa karagatang sakop ng Santa Cruz Island nitong Lunes.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), umabot sa 280 master cases ng iba’t ibang sigarilyo ang nakumpiska na may tinatayang halagang P16.04 milyon.

“PRO-9 remains steadfast in sustaining aggressive coastal and maritime security operations to curb smuggling and other forms of transnational crimes,” pahayag ni Quilates.

Aniya, patuloy nilang paiigtingin ang operasyon upang maprotektahan ang territorial waters at integridad ng ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni PRO-9 public information chief Maj. Shellamie Chang na unang na-flag ang isang bangka matapos mabigong magpakita ng shipping at transport documents ang mga tripulante.

Habang ini-escort ito pabalik sa pantalan, namataan ang isa pang sasakyang-dagat na iniwan ng hindi pa nakikilalang crew.

Kapwa dinala sa Zamboanga City ang dalawang bangka para sa inspeksyon at kalaunan ay isinuko sa BOC ang mga nakumpiskang sigarilyo at ang mga ginamit na sasakyang-dagat.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga tripulante habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here