Home NATIONWIDE Lacson walang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028

Lacson walang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028

180
0

MANILA, Philippines – “Absolutely none.”

Ito ang tahasang sagot ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson nang tanungin kung may plano itong tumakbo sa mas mataas na opisina sa 2028.

“I’m nearing the twilight of my career,” sinabi ni Lacson matapos dumalo sa Philippine Military Academy alumni homecoming sa Fort Gregorio del Pilar sa Baguio City nitong Sabado, Pebrero 21.

“I’m still eligible for reelection in 2031, but I’m not intending to. I intend to finish my public service career in 2031 when my current or first term ends in the Senate,” dagdag pa niya.

Nagkaroon kasi ng mga ispekulasyon kung sino-sino ang mga posibleng tumakbo sa 2028 national elections matapos ianunsyo ni Vice President Sara Duterte ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo noong Miyerkules.

Bilang tugon dito, sinabi ni Lacson na may karapatan ang sinumang Filipino na tumakbo sa public office.

Matapos ang bigong presidential bid tatlong taon na ang nakalilipas, pinalad naman si Lacson na manalo sa pagka-senador noong 2025 elections.

Ang kanyang kasalukuyang termino ay matatapos sa 2031. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here