Home ENTERTAINMENT Dating softdrink beauty, to-the-rescue kay Coco!

Dating softdrink beauty, to-the-rescue kay Coco!

158
0

Manila, Philippines – Todo-tanggol kay Tanggol.

Dumepensa ang dating Softdrink beauty na si Myra Manibog kay Tanggol o ang karakter ni Coco Martin sa teleseryeng Batang Quiapo laban sa paratang ni Rod Navarro Jr.

Si Rod Jr. ay anak ng yumaong aktor na si Rod Sr. na lumabas dati sa BQ dahil na din sa pagkakataong ibinigay ni Coco.

Pero of late, lumikha ng isyu ang akusasyayon ni Rod ng pangit na pagtrato umano sa kanya ni Coco.

Nilalait at minumura daw siya nito kahit ginagalingan naman daw niya ang kanyang pag-arte.

Dito na pumapasok si Myra, dating alaga ni Dr. Rey de la Cruz, na nagkaroon ng cameo role sa BQ.

Bukod kay Myra, nag-guest din ang mga kasabay nito noon na sina Sarsi Emmanuel at Coca Nicolas.

Mga kaibigan sila doon ni Aling Myrna played by Myrna Castillo na alaga din noon ni Rey.

Pinasinungalingan ni Myra ang alegasyon ni Rod.

Sa katunayan, puring-puri nito si Coco sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon kahit one day taping lang ‘yon.

“At the end of the day, dapat maging grateful na lang si Rod kay direk Coco. Kung tutuusin, natulungan naman siya nito.

“Alalahanin din sana ni Rod na walang obligasyon si direk Coco sa kanya..nakaka-bother lang kasi ang pinalalabas ni Rod…awang-awa tuloy ako kay direk Coco na

tumulong na nga, napasama pa!” ani Myra sa isang video.

Mukhang wala namang gustong maniwala sa bersyon ni Rod–na malayung-malayo sa pagkakakilala ng taga-industriya kay Coco. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here