Home ENTERTAINMENT Onemig, may babala sa mga manliligaw ni Aiko!

Onemig, may babala sa mga manliligaw ni Aiko!

226
0

Manila, Philippines – Finally ay inamin na ni Onemig Bondoc na girlfriend na niya si Aiko Melendez.

Itonaon ng dating aktor ang pag-amin noong February 14, sa araw mismo ng mga puso.

Sabi ni Onemig sa harapan ni Aiko na mapapanood sa YouTube channel ng actress-politician, “We are officially together. So doon sa mga nangangarap pa kay Ms. Aiko, sa mga gustong pumapel, sorry guys, sorry mayors, councilors, may nanalo na. Isang hamak na businessman na nagmamahal sa ‘yo ng tapat.”

Pagkatapos nito ay nagbigay ng pahayag si Onemig sa mga nagsasabing bakit si Aiko ang pinili niyang mahalin gayung maraming lalaki na ang dumaan dito.

“Doon sa mga nagsasabi, sobrang nahe-hurt ako na sobrang dami ng lalaki ni Aiko, sobrang dami ng nagdaan, lahat naman tayo may mga past wala namang taong walang past.

“So, kung mahal mo ang tao kailangang i-accept mo ang past dahil lahat tayo nagkakamali, wala namang hindi nagkakamali kaya sana tigil-tigilan n’yo na ‘yung mga ganu’n,” pahayag pa ni Onemig.

Samantala, nabastusan si Onemig sa mga offensive comments mula sa netizens at kaagad niya itong kinol awt.

Sa mga nagsasabi raw na may bembangan na sila ni Aiko dahil dyowa na niya ito, huwag naman daw sanang bastos.

Pumasok daw sila sa isang relasyon dahil mahal nila ang isa’t-isa at hindi para magbembangan lang.

Huwag naman daw sanang ganu’n ang mga comments. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here