Home ENTERTAINMENT Bashers ni Mayor Marc, ‘lumambot’!

Bashers ni Mayor Marc, ‘lumambot’!

223
0

Manila, Philippines – Paano nga ba mapapatunayang sina Kathryn Bernardo at rumored boyfriend niyang si Lucena Coty Mayor Marc Alcala ang nasa picture na magkasama kung puro likod lang nila ang naka-expose?

Reaksyon ito sa litrato ng dalawa sa beach sa La Union taken noong January pa pala.

Bale kasama ang photo na ‘yon with several others in the company of common friends.

Pero sina Kathryn at Mark nga ba ‘yon kung pareho silang nakatalikod?

Bale ang katibayan na sila nga ‘yon ay dahil naka-tag sa kanila ang photo.

Marami tuloy ang nagsasabing forthcoming na ang paglo-launch sa kanilang relasyon.

Ang kulang na lang ay makita sina Kat at Mark na nakaharap–thus exposing their faces.

Samantala, marami ang nakakapansin na tila “lumambot” na ang mga bashers ni Mark.

Tanggap na raw ng mga ito kung si Mark na nga ang nobyo ng aktres–basta huwag lang nitong paiyakin ang kanilang idolo.

Nagbanta kasi ang mga Kathryn supporters ng “or else” pag nangyari ‘yon–as in sila daw ang makakalaban ni Mark!

Takutan ‘to?!

Anyway, pinapayuhan din si Kathryn na isapribado na lang ang relasyon nila ni Mark para tahimik at malayo sa intriga.

Hayaan na lang daw manghula ang publiko sa real score nila.

Puwede ba ‘yon? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here