Home NATIONWIDE Anti-dynasty law dapat munang simulan sa local posts bago national positions

Anti-dynasty law dapat munang simulan sa local posts bago national positions

174
0

MANILA, Philippines – Dapat umanong magsimula muna sa local para makapagpatupad ng anti-political dynasty law, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia sa isang pahayag, sa mga local government posts muna bago ang posibleng ban sa national positions habang suportado niya ang naturang panukalang hakbang.

Mas makabubuti aniya kung ipapatupad ng bansa ang ganitong batas upang mas maraming tao ang makatakbo sa halalan.

Ayon kay Garcia, kalimitan aniya sinasabi na ang makakapagpaurong sa pagbabago ng ating bansa ay kapag tutok ang kapangyarihan sa lokal.

Sinabi ni Senador Risa Hontiveros, ang chair Senate panel on electoral reforms and people’s participation na ang mga mahahalagang puntong iminungkahi sa nakalipas na limang pampublikong konsultasyon sa panukalang batas laban sa political dynasty ay isasaalang-alang sa pagbalangkas ng ulat ng komite.

Naghain na rin ng ilang hakbang sa Senado at sa Kongreso na naglalayong ipatupad ang probisyon ng 1987 Konstitusyon na nagbabawal sa mga political dynasty.

Sa Senado, ang pitong anti-dynasty bills ay nakabinbin sa electoral reforms committee. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here