MANILA, Philippines – Isang magnitude 6.8 na lindol ang tumama sa hilagang bahagi ng Borneo malapit sa Sabah, Malaysia, madaling-araw ng Lunes.
Ayon sa Malaysian Meteorological Department, may lakas itong magnitude 6.8 at naganap bandang 12:57 a.m. (1657 GMT Linggo).
Natukoy ang epicenter sa mas mababa sa 100 kilometro hilagang-silangan ng Kota Kinabalu, sa lalim na 619.8 kilometro.
Patuloy na mino-monitor ang sitwasyon. Naramdaman ang pagyanig sa kanlurang baybayin ng Sabah at sa ilang bahagi ng Sarawak.
Samantala, tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas.
“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” ayon sa PHIVOLCS. RNT/MND