Home TOP STORIES Lider ng ‘Jalisco Cartel’ sa Mexico, utas sa engkwentro vs militar

Lider ng ‘Jalisco Cartel’ sa Mexico, utas sa engkwentro vs militar

208
0

MEXICO – Kinumpirma ng Mexico noong Linggo na patay na ang isa sa pinakamalalaking drug lord sa bansa at sa US.

Kinilala ng militar si Nemesio Oseguera, 59, lider ng Jalisco New Generation Cartel.

Ayon sa militar, nabaril si Oseguera sa engkwentro sa bayan ng Tapalpa at namatay habang dinadala sa Mexico City. Siya ay may $15 milyong US bounty.

Sa pagsalakay, anim pang umano’y kasapi ng cartel ang napatay at tatlong sundalo ang nasugatan.

Dalawang suspek ang naaresto at nakumpiska ang iba’t ibang armas, kabilang ang rocket launchers.

Nagbunsod ng karahasan ang mga kaalyado ni Oseguera bilang pagganti; sinara nila ang mahigit 20 kalsada sa western Jalisco gamit ang sunog na sasakyan at truck.

Kumalat din ang karahasan sa mga kalapit na estado, kabilang ang Michoacan at Puerto Vallarta.

Dahil dito, kinansela ng estado ng Jalisco ang lahat ng malalaking pagtitipon at klase ngayong Lunes.

Halos walang tao sa kabisera, Guadalajara, habang nagsara ang mga tindahan at gasolinahan.

Itinatag ang Jalisco Cartel noong 2009 at kilala bilang isa sa pinaka-marahas na organisasyon sa droga, ayon sa US Justice Department.

Inuri ng US bilang teroristang organisasyon ang cartel at inakusahan ng pagpapadala ng cocaine, heroin, methamphetamine, at fentanyl sa Amerika.

Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng pressure ni US President Donald Trump upang mapigilan ang pagpasok ng droga, partikular ng fentanyl, sa Amerika. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here