Home METRO P340K tobats nasabat sa 2 tulak sa Parañaque buy-bust ops

P340K tobats nasabat sa 2 tulak sa Parañaque buy-bust ops

175
0

MANILA, Philippines – Nalambat ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque City police ang dalawang tulak ng ilegal na droga matapos itong makumpiskahan ng ₱340,000 halaga ng shabu Sabado ng umaga, Pebrero 21.

Sa report na natanggap ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Randy Arceo mula sa Parañaque City police ay nakilala ang dalawang dinakip na suspek na sina alyas Gina, 27, na siyang target ng opersyon, residente ng Barangay Baclaran, Parañaque City, at isang alyas Jovanne, 43, ng Barangay Moonwalk, Parañaque City.

Ayon kay Arceo, naganap ang matagumpay na pagdakip sa mga suspek ng mga operatiba ng SDEU dakong alas 9:00 ng umaga sa San Juan De Coastal, Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Narekober sa mga suspek ang anim na plastic sachets na naglalaman ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱340,000; kulay asul na coin purse at ang ₱500 buy-bust money na ginamit sa naturang operasyon.

Ang kinumpiskang ebidensya ay dinala sa SPD Forensic Unit upang isailalim ang mga ito sa chemical analysis.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng SDEU ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng Republic Act No. 9165 ang mga suspek sa Parañaque City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here