CAPIZ, Philippines – Hinikayat ng 3rd Infantry Division ang Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang mga pagpatay sa Negros Island na isinagawa umano ng New People’s Army.
Ayon sa 3rd ID, 28 katao na ang napatay sa Negros simula Marso 2025, na may average na dalawang biktima kada buwan.
Ang pinakabagong biktima ay isang matandang babae na nabaril sa labas ng kanyang tahanan sa Tapi noong Pebrero 3.
Naugnay siya sa isang engkwentro noong Abril sa parehong lugar kung saan pitong rebelde ng NPA ang napatay.
“We urge the CHR to thoroughly investigate these crimes and help the victims attain rightful justice,” sabi ng 3rd ID.
“These killings are not isolated incidents but a systematic attacks against ordinary citizens,” dagdag nito.
Binanggit ng 3rd ID na ang mga biktima ay mga non-combatant na magsasaka, residente, at matatanda.
“Every life taken by the NPA leaves behind grieving families and traumatized communities, deepening fear while exposing the emptiness of the group’s revolutionary tactics.”
Pinabulaanan ng 3rd ID ang mga pag-atakeng ito at tiniyak ang kanilang patuloy na pangangalaga sa mga sibilyan, pagpapatupad ng batas, at paghahabol sa mga may sala. RNT/MND