Home HOME BANNER STORY Torre ‘di nagsisisi sa pagkakaaresto kay Duterte

Torre ‘di nagsisisi sa pagkakaaresto kay Duterte

157
0

MANILA, Philippines – Walang pagsisisi si dating Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III sa pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa pagdadala rito sa The Hague.

Iginiit ni Torre, ngayon ay general manager na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na sumusunod lamang siya sa kanyang trabaho at walang personal na motibi sa operasyon.

“Hindi po. Wala ho. Ang sinabi ko kanina yun ay walang halong personal na motibo. Yun ay professional lang, utos ng batas at kailangan dapat gawin,” sinabi ni Torre sa panayam ng DZBB.

Si Duterte ay inaresto noong Marso 2025 sa ilalim ng arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC).

Ngayong Lunes, Pebrero 23, ay nakatakda ang confirmation of charges hearing ng Pre-Trial Chamber kaugnay sa kaso ni Duterte.

“Regarding sa confirmation hearings, malinaw sa atin na ito ay isang seryoso at formal na proseso ng batas at dapat ito ay igalang nating lahat,” ani Torre.

“Ang papel ko sa pag-aresto at pagpapadala kay Former President sa Hague, ginawa ko lang naman yun bilang pagtupad sa tungkulin — professional, naayon sa batas, walang halong personal na motibo. Ang papel ko lang ay ipatupad ang batas at hindi husgahan ang kaso,” dagdag pa niya.

Sumagot naman si Torre sa posibilidad ng paghahain ng reklamo laban sa kanya ng ilang kritiko.

“They can file the appropriate charges, and many already have, but none have gained traction so far,” aniya.

“So I would like to believe that opinions should be respected, but substantiating them in court is an entirely different matter.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here