MANILA, Philippines – Nagbabala si health reform advocate Dr. Tony Leachon sa “real danger” ng legalisasyon ng medical cannabis sa Pilipinas, na aniya ay maaaring magdulot ng adiksyon, krimen, at pang-aabuso dahil sa mahinang regulasyon.
Sa kanyang social media post, sinabi ni Leachon, dating adviser ng Philippine COVID-19 National Task Force, na maaaring magbukas ang legalisasyon ng pinto sa pang-aabuso dahil sa kahinaan ng mga institusyon.
“Poverty, weak police services, and a fragile justice system make abuse almost certain. Online access and indiscriminate planting will only fuel crime and erode trust,” ani Leachon.
Inulit din niya ang posisyon ng Philippine Medical Association (PMA) na ang legalisasyon na lampas sa Food and Drug Administration (FDA)-approved use ay may panganib sa kalusugan ng publiko, lalo na sa mga vulnerable groups tulad ng kabataan at mga buntis. Nagbabala rin ang PMA na maaaring pahinain nito ang healthy lifestyles at public safety.
“Without strong institutions and a culture of safety, legalization risks becoming a national disaster—not a breakthrough,” ani Leachon.
Ang pahayag ay kasunod ng pag-apruba ng consolidated bill para sa medical cannabis ng House Committee on Dangerous Drugs at Senate Committee on Health. Ayon kay Leachon, inilantad nito ang kahinaan ng mga regulatory agencies tulad ng FDA.
“To those who argue that legalizing medical cannabis will regulate its use and prevent black market sales, I say this: regulation only works if institutions are strong, credible, and trustworthy,” dagdag niya.
Kinilala ni Leachon ang posibleng benepisyo ng cannabis sa medisina ngunit iginiit ang pangangailangan ng masusing scientific evaluation.
“The real danger is this: legalization without strong regulation will not eliminate the black market—it will legitimize unsafe practices, confuse the public, and open the door to exploitation,” ani Leachon.
“Patients deserve evidence-based care, not experiments driven by weak institutions and political pressure,” dagdag pa niya.
Samantala, inulit ng Department of Health ang posisyon nito na kinikilala ang pagkakaiba ng medical at recreational cannabis use ngunit dapat itong ibatay sa scientific evidence at kakayahan ng mga regulatory agencies. Hindi nito sinusuportahan ang cultivation o paggawa ng cannabis products at wala pang bagong pahayag sa usapin.
Naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 10439 noong Hulyo 2024 na nagpapahintulot sa paggamit ng medical cannabis para sa qualified patients, ngunit wala pang karagdagang aksyon dito. Santi Celario