Home NATIONWIDE Walang China military base sa Scarborough – PH Navy

Walang China military base sa Scarborough – PH Navy

160
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng isang opisyal ng Philippine Navy ang ulat na nagtayo ang China ng military base sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea, walang namonitor na anumang konstruksyon sa pinag-aagawang shoal.

“We have not monitored any construction on Scarborough Shoal except for the presence of the PLA (People’s Liberation Army) Navy (PLAN), the Chinese Coast Guard (CCG) and the Maritime Militia,” ani Trinidad sa press briefing sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Sinabi niya na namataan ang mga barko ng China sa paligid ng shoal at nilinaw na ang mga ulat tungkol sa missile deployment ay maaaring tumutukoy sa mga armas na sakay ng kanilang warships, at hindi sa mismong shoal.

“It is safe to assume that warships would have (been) armed with different missiles. So missiles aboard warships could (also) be the same. Not inside the shoal but on board the ships,” dagdag niya.

Ayon kay Trinidad, mula Pebrero 15 hanggang 22, nakapagtala ang Philippine Navy ng kabuuang 18 Chinese vessels sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea, kabilang ang apat na PLAN ships at limang CCG vessels sa Bajo de Masinloc, apat na CCG vessels sa Ayungin Shoal, dalawang PLAN at isang CCG vessel sa Escoda Shoal, at tig-isang PLAN at CCG vessel malapit sa Pag-asa Island.

Bagama’t mas mababa ang bilang kumpara sa mga nakaraang ulat, sinabi ni Trinidad na nananatiling ilegal ang presensya ng mga barko ng China sa exclusive economic zone ng Pilipinas. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here