Home NATIONWIDE De Lima: Paggunita ng EDSA ‘di sapat, kailangan ng pagkilos

De Lima: Paggunita ng EDSA ‘di sapat, kailangan ng pagkilos

160
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima, ang 40th anniversary ng EDSA People Power ay hindi lamang ala-ala kundi tungkulin na ipaglaban ang batas, palakasin ang demokratikong institusyon, at igiit ang pananagutan ng pamahalaan.

Sinabi ni De Lima na apatnapung taon matapos ang People Power, nananatiling hindi ganap ang hustisya at may mga puwang sa pananagutan at institusyon na kailangan pang punan.

Dagdag pa niya, ang mga kalaban ng demokrasya ay nagbabago ng anyo, kaya dapat ding magbagong-anyo ang paraan ng pagtugon ng mamamayan.

Para sa kanya, ang paggunita sa EDSA ay higit pa sa taunang ritwal; ito ay panata na ipagtanggol ang demokrasya at ipakita ang tapang at determinasyon ng mga Pilipino.

“Hindi sapat ang pag-alala. Kinakailangan ang pagkilos,” ani De Lima. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here