MANILA, Philippines – Nagdeklara si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng special non-working days sa ilang lalawigan at lungsod sa bansa.
Layon nito na pahintulutan ang mga lalawigan at lungsod sa bansa para pahintulutan ang mga residente na gunitain ang mga mahahalagang local events, anibersaryo, at Kapistahan.
Sa bisa ng Proclamation No. 1170 at 1171, idineklara ang Marso 6 (Biyernes) bilang isang special non-working day sa munisipalidad ng Gutalac sa Zamboanga del Norte at Tadian sa Mountain Province para ipagdiwang ang ika-47 Araw ng Gutalac at Ayyoweng Di Lambak Ed Tadian Festival, ayon sa pagkakabanggit.
Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1172 , idineklara ang Marso 14 (Sabado) isang holiday sa City of Passi, Iloilo, para ipagdiwang ang Founding Anniversary nito bilang isang component city.
Nagpalabas din si Pangulong Marcos ng Proclamations Nos. 1174 at 1175, nagdedeklara sa March 16 (Lunes) ilang isang special non-working day sa Davao City para ipagdiwang ang Araw ng Pasasalamat na may kaugnayan sa 89th Araw ng Davao, at sa Lugait, Misamis Oriental, para sa Foundation Anniversary nito, ayon sa pagkakabanggit.
Idagdag pa rito, sa pamamagitan ng Proclamation Nos. 1176 at 1177, idineklara naman ang special non-working day sa munisipalidad ng Tayug, Pangasinan, sa Marso 17 (Mates), at Kawayan, Biliran, sa Marso 19 (Huwebes) para ipagdiwang ang Founding Anniversary and Charter Anniversary, ayon sa pagkakabanggit.
Nagpalabas din si Pangulong Marcos ng Proclamation Nos. 1178 at 1179 na nagdedeklara ng isang special non-working day sa mga lungsod ng Canlaon sa Negros Oriental sa Marso 19 (Huwebes) at Tabaco sa Albay sa Marso 24 (Martes) para ipagdiwang ang Pasayaw Festival 2026 and Charter Day at 25th Cityhood Founding Anniversary, ayon sa pagkakabanggit.
Ang lahat ng proklamasyon ay nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto, noong Pebrero 20, 2026, sa pahintulot ng Pangulo.
Samantala, nagpalabas naman si Pangulong Marcos ng Proclamation No. 1173 na nagdedeklara sa Marso 14, 2026, bilang isang special non-working day sa mga lugar na binubuo ng Second Legislative District ng Antipolo City para mapadali ang pagsasagawa ng special election.
“There is a need to declare Saturday, 14 March 2026, as a special (non-working) holiday to enable the people of the areas comprising the Second Legislative District of the City of Antipolo to properly exercise their right to vote,” ang nakasaad sa proklamasyon.
Ang special election ay isasagawa kasunod ng pagkamatay ni Cong. Representative Romeo Acop noong Disyembre 20.
Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 6645, inamiyendahan ang RA No. 7166, “the Commission on Elections (Comelec) is mandated to call and conduct a special election in the event that a permanent vacancy occurs in the House of Representatives at least one year before the expiration of the term.”
“The election must be held not earlier than 60 days and not later than 90 days following the vacancy,” ayon sa ulat.
Ang proklamasyon ay nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto noong Pebrero 20, 2026, na may pahintulot ng Pangulo. (KRIS JOSE)