MANILA, Philippines – Binuksan na ng pamahalaan ng Romania ang scholarship program nito para sa mga Pilipinong nais magpatuloy ng higher education sa ibang bansa.
Tumatanggap ng aplikasyon ang Romanian Ministry of Foreign Affairs para sa kanilang taunang scholarship program para sa bachelor’s, master’s, at doctoral studies sa iba’t ibang larangan, maliban sa medicine, dental medicine, at pharmacy.
Dadaan muna ang mga scholar sa isang preparatory year upang pag-aralan ang Romanian language bago simulan ang kanilang university studies.
Maaaring magsumite ng aplikasyon online sa pamamagitan ng Study in Romania platform hanggang Marso 31, 2026. Ayon sa Romanian Embassy sa Maynila, saklaw ng scholarship ang preparatory language year, tuition fees, at accommodation sa student dormitories.
Ipapaalam ang resulta ng aplikasyon sa pamamagitan ng email sa o bandang Hulyo 15, 2026. Dave Baluyot