MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng central office ng Land Transportation Office (LTO) ang umano’y katiwalian sa operasyon ng Region 7 sa pamamagitan ng pagbuo ng isang special team na magsasagawa ng imbestigasyon, ayon sa ahensya nitong Miyerkules.
Saklaw ng imbestigasyon ang financial transactions, licensing at registration procedures, at enforcement activities sa rehiyon.
Ayon kay LTO chairperson Markus Lacanilao, determinado ang ahensya na magsagawa ng patas na imbestigasyon at papanagutin ang mga mapapatunayang sangkot.
“The LTO is committed to upholding the highest standards of public service, and we will purge our ranks of anyone who tarnishes that commitment,” ani Lacanilao sa isang pahayag.
Dagdag niya, layunin ng imbestigasyon na hindi lamang suriin ang mga transaksyon kundi maibalik din ang tiwala ng publiko sa LTO Region 7.
“We will ensure that justice is served and that our services are delivered with integrity and transparency,” ani Lacanilao. Santi Celario