Home NATIONWIDE Pinas, tuloy pa rin pakikipag-ugnayan sa US sa gitna ng bagong sirit-taripa

Pinas, tuloy pa rin pakikipag-ugnayan sa US sa gitna ng bagong sirit-taripa

211
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na patuloy na makikipag-engage ang Philippine economic team sa Estados Unidos kasunod ng pagpapataw nito ng 15% increase sa import duties.

“We will continue to engage with the US given that the US remains a major trading partner,” ang sinabi ng economic team sa isang kalatas na binasa ni Palace Press Officer and Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing.

Sa kabilang dako, sinabi ng economic team na kanilang “evaluate and monitor recent developments.”

“Our goal is to ensure that our trade and investment relations with the US remain stable and predictable,” ang ipinahayag ng economic team.

Nauna rito, itinaas ni U.S. President Donald Trump sa 15% ang global duty sa mga inaangkat na produkto sa Estados Unidos, isang araw matapos ideklarang ilegal ng U.S. Supreme Court ang malaking bahagi ng kanyang tariff program.

Sa kanyang Truth Social platform, sinabi ni Trump na matapos ang “thorough review” sa desisyon ng Korte Suprema na tinawag niyang “extraordinarily anti-American,” itataas ng administrasyon ang import levies sa “fully allowed, and legally tested, 15% level.”

Nauna nang inanunsyo ni Trump ang 10% taripa matapos ang desisyon ng korte. Dagdag pa niya, sa mga susunod na buwan ay maghahanap ang kanyang administrasyon ng iba pang “legally permissible” na paraan upang magpatupad ng karagdagang taripa.

Ayon sa White House, pansamantala lamang ang bagong 15% duty at maaari itong ipatupad hanggang 150 araw.

May mga exemption pa rin para sa ilang sektor na nasa ilalim ng hiwalay na imbestigasyon, kabilang ang pharmaceutical products at mga kalakal na saklaw ng US-Mexico-Canada trade agreement.

Ang hakbang ay pinakabagong yugto sa pabago-bagong patakaran sa taripa ng administrasyong Trump, kung saan ilang beses nang itinakda, binago, o binawi ang iba’t ibang antas ng buwis sa mga produktong inaangkat sa U.S. sa nakalipas na taon.

Noong Biyernes, sa botong 6-3, nagpasya ang conservative-majority Supreme Court na ang batas noong 1977 na ginamit ni Trump upang magpataw ng biglaang taripa sa ilang bansa ay hindi nagbibigay ng awtoridad sa pangulo upang magpatupad ng ganitong hakbang.

Mariing tinuligsa ni Trump ang desisyon at sinabing siya ay “ashamed” sa ilang miyembro ng korte, kahit dalawa sa mga mahistrado ay siya mismo ang nagtalaga.

Samantala, sa kabila ng pagtaas, naniniwala si Finance Secretary Frederick Go na ang Pilipinas ay nasa “good spot” habang ang ilang piling goods na ini-export sa Estados Unidos ay patuloy na nakikinabang sa tariff exemptions. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here