Nababahala si Senador Mark Villar sa inaasahang pagtaas ng presyo ng langis na makakaapekto sa mga sektor ng transportasyon, agrikultura, at presyo ng mga bilihin sa bansa. Saad ng Senador na susuportahan nito ang mga hakbang ng gobyerno para pagaanin ang pasanin ng mga kababayang Pilipino sa mga panahong ito.
MANILA, Philippines – Naghain si Senator Mark Villar ng Senate Resolution No. 313 na nananawagan ng agarang imbestigasyon sa pagtaas ng kaso ng Chronic Kidney Disease (CKD) sa Pilipinas, lalo na sa mga kabataan.
Ipinahayag ni Villar ang kanyang pangamba sa mga ulat ng Department of Health na nagpapakitang pabata nang pabata ang mga tinatamaan ng CKD sa bansa.
“Ayon sa Department of Health, pabata nang pabata ang tinatamaan ng CKD sa bansa—may reports din po tayong natatanggap na nine years old pa lang ay may malubhang sakit na agad sa bato,” ani Villar.
Aniya, bagama’t may mga umiiral nang programa laban sa CKD, may mga kakulangan pa rin na dapat tugunan, lalo na sa harap ng pagbabago sa diet at pagdami ng konsumo ng ultra-processed foods.
“Naghain po tayo ng resolution na ito dahil naniniwala tayo na sa panahon ngayon, hindi na lang dapat basta reactive ang ating mga hakbang laban sa CKD,” dagdag niya.
Layunin ng resolusyon na suriin ang kasalukuyang mga programa ng gobyerno, kabilang ang awareness campaigns at suporta sa mga pasyenteng sumasailalim sa paggamot.
“Gusto natin na mas magkaroon ang gobyerno ng napapanahon na solusyon sa CKD. We would like to be more proactive in preventing and detecting the disease while fully supporting those who are undergoing treatments,” ani Villar. RNT