Home NATIONWIDE Diskusyon sa cash deliveries nagsimula pa noong Oktubre – Baligod

Diskusyon sa cash deliveries nagsimula pa noong Oktubre – Baligod

217
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng abogado ng ilang dating miyembro ng Philippine Marine Corps na nagsimula pa noong Oktubre ang kanilang pag-uusap tungkol sa umano’y paghahatid ng pera sa iba’t ibang indibidwal, na sinasabing iniutos ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.

Sa panayam, sinabi ni Atty. Levito “Levy” Baligod na ilang buwan na niyang kinakausap ang mga dating Marines upang beripikahin ang kanilang mga alegasyon.

“Matagal ko silang kinakausap at bine-verify ‘yung kanilang mga sinasabi. Mula nag-start po kaming mag-usap-usap October,” ani Baligod.

“Nagsimula pa ako noong bandang October na gumawa ng paraan na makausap ko ‘yung mga dating kasamahan ni Guteza sa trabaho kay Zaldy Co,” dagdag niya.

Noong Setyembre ng nakaraang taon, inangkin din ni Orly Guteza na naghatid siya ng pera kina Co at dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng isyu ng maanomalyang flood control projects, na kapwa nila itinanggi.

Noong Martes, 18 personalidad na ipinakilalang dating Marines ang nagsabing naghatid sila ng mga maleta na may lamang humigit-kumulang P805 bilyon na umano’y galing sa kickbacks ng maanomalyang flood control projects papunta sa ilang pulitiko.

Iniugnay nila si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at iba pang political figures sa nasabing cash deliveries, ngunit itinanggi ito ng Malacañang at ng iba pang mga pinangalanan.

Ayon sa Philippine Navy, apat sa 18 ang hindi kailanman naging miyembro ng Navy o ng Philippine Marine Corps.

“Majority of the individuals were discharged dishonorably from the service, while others were able to retire in good standing,” pahayag ni Navy spokesperson Captain Marissa Martinez.

Binigyang-diin ni Martinez na si Guteza ay retirado na mula Hunyo 2020 at hindi na saklaw ng administratibong kapangyarihan ng Navy. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here