MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa ₱180 milyon halaga ng mga ismagel na sigarilyo ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) matapos masabat ang isang barko na may kargang tinatayang 3,000 master cases noong Pebrero 24, 2026 sa Celebes Sea.
Ayon sa ulat, nag-ugat ang operasyon sa natanggap na intelligence report ng BOC hinggil sa kahina-hinalang galaw ng isang bulk carrier na umano’y nagsasagawa ng “ship-to-ship transfer” o palihim na paglilipat ng kargamento sa laot.







