Home NATIONWIDE Pagtanggap ng male-maletang pera, itinanggi ni Año

Pagtanggap ng male-maletang pera, itinanggi ni Año

206
0

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ni National Security Adviser Eduardo Año ang alegasyon ng mga umano’y dating Marines na tumanggap siya ng cash deliveries mula kay dating mambabatas Zaldy Co, at tinawag ang mga paratang na “malicious,” “entirely false,” at “fabricated.”

Sa inilabas na pahayag ng National Security Council nitong Huwebes, pinabulaanan ni Año ang alegasyon na tumanggap siya ng paper bag matapos ang isang pulong na kinasasangkutan ng ilang political figures.

“I categorically reject and denounce the malicious, unsigned affidavit purportedly from eighteen ex?Marines accusing me of receiving a paper bag after a meeting at the Polo Club townhouse,” ani Año.

“To set the record straight, I have never attended any meeting with former Speaker Martin Romualdez, former Cong. Zaldy Co, and Cong Leila De Lima in the Polo Club townhouse or in any other location nor did I receive any paper bag or package from them,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Año na handa ang kanyang legal team na magsagawa ng kaukulang hakbang, kabilang ang sariling imbestigasyon, at posibleng bahagi umano ang alegasyon ng mas malawak na pagtatangka na pahinain ang mga institusyon ng pamahalaan.

“We will have our own investigation to determine whether this malicious stunt… is seemingly part of a broader effort to undermine or destabilize government institutions,” aniya.

Nag-ugat ang alegasyon sa pahayag ng 18 indibidwal na ipinakilalang dating Marines, na nagsabing naghatid sila ng mga maleta na naglalaman ng tinatayang P805 bilyon na umano’y kickbacks mula sa flood control projects para sa ilang pulitiko. Itinanggi rin ng Malacañang at iba pang opisyal ang mga paratang.

Ayon sa Philippine Navy, apat sa 18 indibidwal ay hindi kailanman naging miyembro ng Navy o Marine Corps, habang ang iba ay dishonorably discharged o retirado na sa serbisyo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here