Home METRO 2 utas sa sunog sa Intramuros

2 utas sa sunog sa Intramuros

185
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng ilang kagawad ng mga nasunugang residente sa Intramuros Maynila na dalawang babaeng senior ang nasawi sa sunog nitong Miyerkules.

Ayon kay Barangay Kagawad Genie Aglinao at Antonio Villero natabunan ng nasunog na bahay ang isang senior habang ang isa naman at nahirapang huminga habang nasusunog ang mga kabahayan.

Naisugod pa sa ospital ngunit idineklara dead on arrival.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog sa Cabildo Street na nagsimula alas 5 ng hapon.

Isang bagong laya sa kulungan ang suspek umano sa dahilan ng sunog kung saan hawak na ng Manila Police District (MPD).

Samantala, 532 pamilya ay pansamantalang nanunuluyan sa Delpan Evacuation Center ngunit nitong Huwebes ng hapon ay binisota sila ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso kasama si Vice Mayor Chi Atienza upang alamin ang kanilang sitwasyon.

Ayon kay Director Jay Reyes Dela Fuente ng Manila Department of Social Welfare,  pingkalooban ng sleeping kit ang mga nasunugang pamilya at iba nilang pangangailangan tulad ng pagkain at inuming tubig.

Bukod pa rito sa pangako ng alkalde na mabibigyan ng P15 libo ang bawat pamilyamg nawalan ng tirahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here